^

Metro

Ginang naglason dahil sa utang

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang matakasan umano ang utang na nagkakahalaga ng P40,000, isang ginang ang nagpa­tiwakal sa pamamagitan ng pagtungga ng isang bote ng silver cleaning solution, kamakalawa sa Pasay City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Revelin Mendoza, 25, ng Interior Libertad St, Zone 9, Barangay 69 ng naturang siyudad.

Sa report na natanggap ni Senior Supt. Melchor Reyes, hepe ng Pasay City Police, alas-7:30 ng gabi nang matagpuan ang biktima ng kanyang land lady na si Chona Montecalvo sa loob ng inuupahan nitong kuwarto  sa ikalawang palapag ng naturang lungsod.

Nabatid kay Montecalvo, isasauli lamang niya ang hiniram niyang cellphone sa biktima nang tumambad dito ang wala nangg buhay na si Mendoza.

Kaagad niya itong   ipinagbigay alam sa mga awtoridad ang insidente at nang siyasatin ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Southern Police District (SPD) ang pinangyarihan ng insi­dente, nakita dito ang isang bote ng silver cleaning solution na walang laman.

Ayon sa Pasay City Police, posibleng nagpa­tiwakal ang biktima sa pamamagitan ng paglagok ng naturang lason.

Sa nakalap namang impormasyon ng mga imbestigador ng Pasay City Police sa live-in partner ng biktima na si Melchor Torrero, nabatid na may utang ang ginang ng halagang P40,000.00 sa iba’t ibang pinagkakautangan nito.

Kung kaya’t posibleng ito ang isa sa panguna­hing dahilan nang pagpa­patiwakal.

vuukle comment

CHONA MONTECALVO

INTERIOR LIBERTAD ST

MELCHOR REYES

MELCHOR TORRERO

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

REVELIN MENDOZA

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with