^

Metro

Bus hinoldap ng 3 lalaki

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinoldap ng tatlong kawatan na lalaki ang mga pasahero ng bus habang bumibiyahe sa Mandaluyong City kamakalawa ng umaga.

Batay sa ulat ng Eastern Police District (EPD), dakong alas-11:15 ng umaga nang holdapin ng mga suspek ang Malanday Metrolink passenger bus na may plakang UYE-421.

Sa salaysay sa pulisya ni Merlan Empon, driver ng bus, sumakay ang mga suspek sa bahagi ng Guadalupe, Makati at pagsapit ng Boni Ave., Bgy. Barangka Ibaba, Mandalu­yong City ay naglabas ng mga patalim ang mga suspek at nagdeklara ng holdap.

Sapilitang kinuha ng mga ito ang mga cellphones, cash at iba pang mahahalagang gamit ng mga pasaherong  sina Jaymark Colarina, Al Eurose Manlusoc, at Mark Anthony Orsenado, gayundin ng bus driver at konduktor na si Rosel Ambas.

Matapos ang panghoholdap ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang nagtungo ang mga biktima sa himpilan ng pulisya para magreklamo.

 

vuukle comment

AL EUROSE MANLUSOC

BARANGKA IBABA

BONI AVE

EASTERN POLICE DISTRICT

JAYMARK COLARINA

MALANDAY METROLINK

MANDALUYONG CITY

MARK ANTHONY ORSENADO

MERLAN EMPON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with