^

Metro

Engineer patay 2 ulit nasagasaan, 2 ulit tinakbuhan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang engineer matapos na dalawang beses  ma-hit and run ng isang kotse at truck habang lulan ang una ng kanyang motorsiklo at binabaybay ang  kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX), Makati City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktimang si Jun Yasul, 57, ng Multinational Village, Brgy. Moonwalk, Parañaque City matapos itong magtamo ng matinding pinsala sa ulo at ibat-ibang bahagi ng katawan nito.

Nakilala ang biktima  sa pamamagitan ng kanyang Professional Regulation Commission (PRC) ID na nakuha dito ng mga pulis. ?Lumalabas sa imbestigasyon ni SP01 Mercelino Peralta, ng PNP-Highway Patrol Group (HPG), naganap ang insidente alas-3:30 ng madaling araw sa south bound lane ng SLEX, Brgy. Magallanes Village, Makati City.

Nabatid na lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo at habang binabagtas nito ang naturang lugar ay nasagi ito ng isang kotse na hindi nakuha ang plaka.

Dahilan upang tumilapon si Yasul na ilang metro ang layo at minalas naman itong masagasaan uli ng isang truck na hindi rin naplakahan at hindi tumigil man lang. 

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente kung saan kumakalap pa ng impormasyon ang pulisya upang matukoy ang plaka ng mga sangkot na sa­sakyan.

 

vuukle comment

BRGY

HIGHWAY PATROL GROUP

JUN YASUL

MAGALLANES VILLAGE

MAKATI CITY

MERCELINO PERALTA

MULTINATIONAL VILLAGE

PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with