^

Metro

Snatcher sa mga PUJ, timbog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang isa sa dalawang kilabot na snatcher ng  mga pasahero ng mga public utility vehicle (PUJ) makaraang maispatan ng awtoridad na muling nambibiktima sa lungsod Quezon, ini­ulat kahapon.

Kinilala ang suspek na si John Michael Masangkay at residente sa lungsod.

Personal na kinilala si Masangkay ng kanyang biktima na si Dexter Ra­mirez, 26, ng Marikina City.

Nangyari ang insi­dente habang sakay si Remirez ng pampasaherong jeepney patu­ngong Marikina, ganap na-alas 8 gabi.

Pagsapit sa Aurora Blvd., corner JP Rizal St., Brgy. Marilag, bigla na lamang sumakay ng jeep si Masangkay kasama ang isa pa at sinuntok sa mukha si Ramirez bago puwersahang kinuha ang bag nito na naglalaman ng pera at cell phone saka tumakas.

Agad namang nagtu­ngo si Ramirez sa Police Station 8 at nagsagawa ng follow-up operations, kung saan naispatan muli si Masangkay sa lugar at naaresto.

vuukle comment

ARESTADO

AURORA BLVD

BRGY

DEXTER RA

JOHN MICHAEL MASANGKAY

MARIKINA CITY

MASANGKAY

POLICE STATION

RAMIREZ

RIZAL ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with