^

Metro

Biktima ng salvage, natagpuan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang lalaking biktima ng summary execution ang natagpuang tadtad ng tama ng saksak at nakagapos na parang hayop sa loob ng isang itim na garbage bag sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay PO2 George Caculba, may-hawak ng kaso, walang pagkakakilanlan ang biktima maliban sa tattoo na nakatatak sa kanyang kaliwang balikat na “BNG”  LED at ONIE sa kanang tuhod, imahe ng sundalong Hapon, JUNE, Edwin at Romy sa kaliwang hita.  Wala itong saplot sa kanyang katawan, dagdag ni Caculba.

Sabi ng imbestigador, ang biktima ay natagpuan  sa may kahabaan ng Congressional Avenue malapit sa Tierra Verde II Subdivision, Brgy. Pasong Tamo, ala-1:30 ng madaling-araw.

Sabi ni Caculba, posibleng tulad ng ibang biktima ng summary execution posibleng sa ibang lugar din pinaslang ang biktima at itinapon lamang sa nasabing lugar para iligaw ang mga awtoridad. Ang bangkay ng biktima ay nasa pa­ngangalaga ngayon ng Yves funeral homes.

vuukle comment

AYON

BIKTIMA

BRGY

CACULBA

CONGRESSIONAL AVENUE

GEORGE CACULBA

PASONG TAMO

SABI

TIERRA VERDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with