^

Metro

Parak itinumba sa basketball court

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang pulis matapos itong barilin ng isa sa apat na hindi kilalang suspek   habang ang una ay nakikipag-usap sa cellphone sa loob ng covered court sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay nakilalang si SPO2 Joel Fernandez, 40, nakatalaga sa Intelligence Division ng Malabon City Police at naninirahan sa Gen. Luna St., Brgy. Ibaba ng nasabing lungsod.  Base sa imbestigasyon ni  PO3 Rommel Habig, ng Malabon City Police, naganap ang insidente alas-3:30 ng hapon sa loob ng basketball court na matatagpuan sa 2nd St., Disyerto, Brgy. Tañong ng naturang lungsod.

Nabatid na kasalukuyang naglalaro ng basketball ang biktima sa naturang lugar nang mapagod ito at magpapalit sa kanyang kaibigan at habang may kausap ito sa cellphone nang mapansin ang apat na suspek na umaaligid sa labas ng covered court.

Isa sa mga suspek ang biglang sumigaw ng “Dapat walang titingin” at mabilis na pinaulanan ng bala  ang  biktima bago mabilis na nagsitakas habang naiwang walang buhay si Fernandez. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

DAPAT

INTELLIGENCE DIVISION

JOEL FERNANDEZ

LORDETH BONILLA

LUNA ST.

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

ROMMEL HABIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with