^

Metro

Lolo nangulila kay lola, nagbigti

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 75-anyos  na biyudo ang nagpatiwakal sa pama­magitan nang pagbibigti dahil umano sa sobrang pangu­ngulila sa namayapa niyang asawa, sa loob ng kanyang bahay sa Pandacan, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Felimon Mabeza, ng Lot 5, Block 5,  Kahilum 3,  Pan­dacan, Maynila.

Sa ulat ni SPO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:00 ng hapon kamakalawa nang matuklasan ng manugang na si Raul Boloron na nakabitin ang biyenan sa loob ng kanyang kuwarto, sa ikaapat na pa­lapag ng gusali gamit ang isang nylon cord.

May ilang oras pa lamang umanong inakyatan ng pagkain ng manugang ang biyenan at nang balikan ay nadiskubreng patay na ito at hindi na ginalaw ang pananghalian.

Nabatid na simula noong Pebrero 2014 ay naging ma­lulungkutin ang biktima dahil sa pagpanaw ng misis. Nawalan na rin umano ito ng ganang kumain.(Ludy Bermudo)

 

 

vuukle comment

FELIMON MABEZA

ISANG

KAHILUM

KINILALA

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

RAUL BOLORON

RODELIO LINGCONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with