^

Metro

‘Magdemanda na ang magdedemanda’ – Abalos

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matigas ang paninin­digan ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos na ipagpatuloy ang pagpa­patupad ng Ordinance­ No. 550 na nagba­bawal ng pag-aangkas ng da­lawang la­laking di magkamag-anak sa motorsiklo.

Ayon kay Abalos, hindi nila ipapatigil ang pagpapatupad ng ordinansa sa lungsod kahit ulanin pa sila ng kaliwa’t kanang protesta at kaso dahil ito’y para sa kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan.

Paliwanag ni Abalos, simula nang ipatupad nila ang ordinansa ay nagkaroon na ng ‘zero-crime rate’ sa lungsod at nais aniya nilang magpatuloy ito.

“Magdemanda na ang magdemanda. Hayaan na lang natin na ang hukuman ang magdesisyon hinggil dito,” ani Abalos.

Nilinaw rin ni Abalos na hindi naman nila pinagbabawalan ang magkaangkas sa motorsiklo ngunit kinakaila­ngang magkamag-anak ang mga ito.

Una nang dumulog sa korte­ ang mga samahan ng motorcycle riders at ini­reklamo ang naturang ordinansa na nagbabawal sa mga lalaking magkaangkas sa motorsiklo.

Biyernes ng umaga, nag-motorcade ang Motorcycle Riders Organization pa­tungong city hall mula sa C5 Julia Vargas bilang protesta sa ordinansa.

Pagdating doon, nag­hain ang grupo, kasama ang Arangkada Alliance ng petisyon sa Mandaluyong Regional Trial Court (RTC) na humihiling na maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang korte.

Giit ng mga grupo, hindi makatarungang ipagbawal sa siyudad ang higit sa isang lalaking sakay ng motorsiklo dahil karapatan anila ng mga rider na iangkas ang sinuman na kanilang naisin.

vuukle comment

ABALOS

ARANGKADA ALLIANCE

AYON

BIYERNES

JULIA VARGAS

MANDALUYONG MAYOR BENHUR ABALOS

MANDALUYONG REGIONAL TRIAL COURT

MOTORCYCLE RIDERS ORGANIZATION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with