^

Metro

9 na parak, inginuso sa EDSA kidnap

Joy Cantos at Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siyam na pulis halos lahat ay nakadestino sa La Loma Police  Station sa Quezon City ang sangkot umano sa kaso ng robbery/kidnapping na kumalat  sa social networking site  sa Edsa, Mandaluyong City noong Setyembre 1.

Dalawa sa sangkot na pulis, isa rito ay opisyal  ang nadakip sa isinagawang ope­rasyon sa lungsod Quezon. Habang pinaghahanap pa ang pitong kasabwat, kabilang ang isang dismis na police inspector.

Ito ang inihayag kahapon nina NCRPO Chief P/Director Carmelo Valmoria at EPD Director P/Chief Supt. Abelardo Villacorta sa press briefing sa Camp Crame kahapon.

Sinabi ni Valmoria  na si Chief Inspector Joseph de Vera, nakatalaga sa Investigation Unit ng La Loma Police Station ay nasakote sa nasabing himpilan kamakalawa ng gabi at sumunod naman kahapon ang isa pa na si PO2 Jonathan Rodriguez.

Pakay naman ng mala­wakang manhunt operations ang pito pang pulis kabilang  ang itinurong utak sa krimen na si Senior Inspector Oliver­ Villanueva, kaklase ni De Vera sa  PNPA  Class 2001; mga kasamahan ng mga ito sa La Loma Police Station 1 na sina PO2 Mark de Paz, PO2 Ebonn Decatoria, SPO1 Ramil Hacchero, PO2 Jerome Datinguinoo, PO2 Weben Masa at ang nadismis na si Inspector Marco Polo Estrera.

Aminado si Valmoria na totoo ang kumalat na viral video pero ang  nakakagulat ay mga pulis pa ang sangkot sa kasong ito na noong una ay inakalang gun toting lamang pero isa palang kaso ng highway/robbery at kidnapping with serious illegal detention.

Sinabi ni Valmoria na may magandang lead na ang PNP kung saan mahahanap ang pito pang pulis na sangkot sa kaso.

Inihayag naman ni Villacorta na malaki ang naitulong sa imbestigasyon ng ipinost   ng isang concerned citizen na video sa kaniyang twitter account na naging viral sa social networking site hinggil sa pagharang at panunutok ng baril ng mga suspek sa isang behikulo na hinarang ng mga ito sa EDSA.

Ayon pa kay Villacorta, inaanalisa nilang mabuti at inimbestigahan ang viral video dahilan baka shooting lamang umano ito sa pelikula pero napatunayang totoong insidente ito ng krimen.

Lumilitaw sa imbestigas­yon na pera ang habol ng grupo ng mga pulis sa pag­dukot sa dalawang biktima na pawang mga empleyado ng isang negosyante na  may-ari ng construction firm dahil may dala ang mga itong P2 milyon na nakuha ng mga suspek.

Ang mga biktima ay ga­ling Quezon City lulan ng hinarang na Toyota Fortuner dakong alas-2:45 ng hapon patungo sa Pasay City para ibayad ang nasabing halaga sa pagbili ng equipment sa kanilang construction firm.

Samantala, madali namang natukoy ang mga suspect sa tulong ng di­gital graphic enhancement sa ginamit ng mga itong behikulo na isang kulay abong Honda Civic (ZJB 149) na nabili ng nadismis na si Estrera habang ang Toyota Hi- Ace van na may conduction sticker ay naibenta naman kay De Vera. Samantala, bukod dito ay pinagwithdraw pa ng mga suspect ang mga biktimang sina Ustadz Samahuddin ng P33,000.00 sa kaniyang ATM account at ang isang alyas Kamal ng P30,000.00 mula rin sa ATM account ng mga ito.

Lumilitaw naman na isang babae na dating girlfriend ng isa sa mga biktima ang na­ging kontak ng mga pulis at umano’y nagyaya pa sa mga itong kumain bago umalis patungong Pasay City ng maganap ang insidente.

Itinanggi umano ni De Vera na kinidnap at kinuha nila ang nasabing halaga sa dalawang biktima na iginiit  na isa umano itong lehitimong anti-drug operation pero  hindi naman ito konektado sa Anti Illegal Drugs Special Operation Task Group ng nasabing himpilan at sa interogasyon ay umamin rin sa krimen. Ang mga biktima ay pinalaya rin ng naturang mga pulis matapos dalhin sa himpilan ng La Loma Police noong Setyembre 1 dakong alas-9 ng gabi.

 

vuukle comment

DE VERA

LA LOMA POLICE

LA LOMA POLICE STATION

PASAY CITY

PULIS

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with