^

Metro

Kelot pinaghuling hapunan, bago inutas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatapos munang maghapunan ang isang  backhoe operator bago ito niratrat at napatay ng hindi pa nakikilalang mga salarin, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Nakilala ang nasawi na si Richard Padilla, 39,  ng  Sitio San Isidro, Brgy. San Jose, Antipolo City.  Agad namang nakatakas ang apat na salarin lulan ng isang puting pick-up van.

Sa inisyal na ulat ng Valenzuela City Police, kumain muna ng hapu­nan ang biktima kasama ang mga kasamahan sa trabaho na sina Julio Casino at Nestor Abello sa isang karinderya sa may Mindanao Avenue Extension sa Sitio Sulok, Brgy. Ugong, dakong alas-7 ng gabi.

Nang makakain, lu­ma­bas ng karinderya ang biktima at nagtungo sa isang tindahan upang bumili ng sigarilyo.  Dito na ito niratrat ng bala ng mga salarin na nang matiyak na wala nang buhay ang biktima ay tumakas tungo sa direksyon ng Brgy. Kaybiga,  Caloocan City.

Tinangkang habulin naman ng mga tauhan ng Police Community Precinct 8 ang mga s­a­larin ngunit nakawala ang mga ito dahil sa pasikot-sikot na kalsada sa hangganan ng Valenzuela at Caloocan.

Nakuha ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives ang 17 basyong bala ng kalibre .45 baril. Patuloy namang inaalam ng mga imbestigador ang mo­tibo sa naturang krimen.

 

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BRGY

CALOOCAN CITY

JULIO CASINO

MINDANAO AVENUE EXTENSION

NESTOR ABELLO

POLICE COMMUNITY PRECINCT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with