^

Metro

Sundalo itinumba ng tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang natagpuang patay na may tama ng bala sa kanyang ulo sa lungsod Quezon, kama­kalawa ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nakilala ang biktima na si  Sgt. Rhode­rick Antipatia, 51, na nakatalaga sa 525 Infantry Batallion PN Adventure Zone, Fort Bonifacio, Taguig City, base sa kanyang driver’s license.

Ayon kay PO3 Rhic Roldan Pittong, may-hawak ng kaso, ang biktima ay natagpuan na lang duguang nakahandusay sa may kahabaan ng Commonwealth Avenue, corner Dupax St., Brgy. Old Balara, ganap na alas 9:30 ng gabi. Diumano, nakatanggap na ng tawag ang awtoridad ukol sa nangyaring pamamaril sa nasabing lugar. Agad na nirespondehan ng otoridad ang lugar kung saan naabutan na lang nila ang biktima na duguang nakahandusay at wala ng buhay.

Ayon naman sa Police Station 6, base sa inisyal na pagsisiyasat ng kanilang tanggapan, naglalakad umano ang biktima sa lugar nang biglang su mulpot ang isang motorsiklo sakay ang dalawang suspek saka binaril ang biktima sa ulo. Matapos ang pamamaril ay agad na sumibat ang mga suspek sa lugar at iniwan ang nasabing biktima.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kanyang kanang mata na ikinamatay nito. Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

ADVENTURE ZONE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BIKTIMA

COMMONWEALTH AVENUE

DUPAX ST.

FORT BONIFACIO

INFANTRY BATALLION

OLD BALARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with