^

Metro

‘Gapos gang’ sumalakay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matagumpay na nakapagnakaw ang sinasabing miyembro ng ‘Gapos Gang’ makaraang pasukin ang isang bahay at igapos ang ginang, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Nakilala ang biktima na si Graceteli Abocejo, 31-anyos, ng North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.

Sa salaysay ni Abocejo sa pulisya, dakong alas-9:45 ng gabi, hindi siya makatulog dahil sa hindi pa umuuwi ang kanyang mister. Nakaramdam siya ng kaluskos sa sala ng kanilang bahay kaya inakala niyang ang kanyang asawa na ito.

Lumabas pa ng sala ang ginang at tinawag ang pangalan ng kanyang mister.  Dito na siya tinutukan ng baril ng isa sa mga suspect, iginapos at binusalan ang bibig.  Mabilis na naghalughog naman ang mga magnanakaw at natangay ang isang mamahaling cellular phone at alahas na nagkakahalaga ng P7,000. 

Masuwerte namang hindi ginalaw ng mga magnanakaw ang ginang at mabilis na tumakas.  Nagawang makalag ni Abocejo ang gapos at humi­ngi ng saklolo sa pulisya ngunit hindi na inabutan pa ang mga suspect.

vuukle comment

ABOCEJO

DITO

GAPOS GANG

GRACETELI ABOCEJO

LUMABAS

MABILIS

MASUWERTE

NAVOTAS CITY

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with