^

Metro

Shootout sa Taguig: 1 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang  dalawang pinaghihinalaang notoryus na riding in tandem criminal gang kabilang ang nasugatang lider ng grupo matapos na kumasa sa mga awtoridad sa naganap na shootout sa Taguig City kama­kalawa ng gabi. Kinilala ni PNP-CIDG Chief P/Director Benjamin Magalong ang nasakoteng suspect na si Alvin Nidua, lider ng grupo.

Arestado rin sa operasyon matapos na makorner ng mga awtoridad ang kasamahan ni Nidua na si Joel Palacio habang nakatakas naman ang dalawa pa sa mga ito.

Sinabi ni Magalong na dakong alas-6 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang mga awtoridad sa Manuel Quezon, Lower Bicutan, C-6 Road sa lungsod ng Taguig.

Nabatid na isinilbi ng mga tauhan ni Magalong  ang warrant of arrest na inisyu ng Legazpi City Regional Trial Court (RTC) laban kay Nidua kaugnay ng kinakaharap ng kasong murder, robbery with homicide at dalawang kaso ng frustrated murder.

Gayunman, nanlaban ang suspek na agad nagpaputok ng baril bunsod upang barilin rin ito ng isa sa arresting team. Nasamsam mula sa mga suspek ang dalawang cal. 45 pistol at magazine nito na puno ng mga bala, gayundin ang motorsiklo na gamit nila sa kanilang  illegal­ na aktibidades.

Sa tala ng PNP-CIDG, si  Nidua ay number 3 most wanted na kriminal sa Camalig, Albay at isa sa pangunahing target ng PNP-CIDG dahil sangkot ang grupo nito sa ilegal na aktibi­dades ng riding in tandem.

Kasalukuyan namang ginagamot si Nidua sa Taguig Pateros District Hospital bunga ng tinamo nitong sugat sa ibabang bahagi ng katawan sa nasabing shootout .

 

vuukle comment

ALVIN NIDUA

CHIEF P

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG

JOEL PALACIO

LEGAZPI CITY REGIONAL TRIAL COURT

LOWER BICUTAN

NIDUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with