^

Metro

Nagwalang jailguard, todas sa parak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Todas ang isang ta­uhan ng Bureau of Jail Management and Peno­logy matapos mabaril ng isa sa rumespondeng pulis dahil sa pagpapaputok umano ng baril ng una sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Agad na nasawi si Alfred Tan, 32, nakatalaga sa Malabon City Jail at residente ng Ruby St., Brgy. Talipapa, ng naturang lungsod.

Isinasailalim naman sa imbestigasyon ang pulis na nakabaril sa biktima na itinago muna ang mga pagkakakilanlan.

Sa inisyal na ulat, alas-7 ng gabi nang makatanggap ng sumbong ang Caloocan Police ukol sa isang nagwawalang lalaki na nagpaputok ng baril sa kanilang lugar sa may Brgy. Talipapa.

Kararating pa lamang sa lugar ng mga pulis nang agad umano silang salubungin ng putok ng baril ni Tan.  Dahil sa nalagay sa pa­nganib ang kanilang buhay, gumanti ng putok ang mga alagad ng batas kung saan napuruhan si Tan.

Nakuha sa lugar ng pinangyarihan ang may 19 na basyo ng M-16, 2 basyo ng kalibre .45, kalibre .45 baril at rifle na Squire Bingham na kargado ng 1 bala.

Iniimbestigahan din naman ng pulisya ang ugat ng pagwawala sa lugar ng nasawi.

vuukle comment

ALFRED TAN

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

MALABON CITY JAIL

RUBY ST.

SQUIRE BINGHAM

TALIPAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with