^

Metro

Electrician dedo sa pamamaril

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang electrician ang patay makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin habang ang una  ay dadalaw sana sa kanyang kumare sa may Brgy. Holy Spirit, lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PO2 Jogene Her­nandez, may-hawak ng kaso, dakong alas-8:30 ng gabi nang barilin ang biktimang si Marlon Bundac, 37, ng BF Road, ng nasabing barangay.

Hindi naman natukoy ang salarin na tumakas sakay ng isang motorsiklo, matapos ang pamamaril.

Sabi ni Hernandez, pa­punta ang biktima sa bahay ng kanyang kumareng si Julie Cabriega nang bigla itong tambangan ng salarin.

Base sa pahayag ni Cabriega, nasa loob siya ng kanyang bahay nang mari­nig niya ang tatlong putok ng baril mula sa labas.

Nang kanyang tignan ay saka bumulaga sa kanya ang duguang katawan ng biktima habang nakahan­dusay sa lugar, habang isang motorsiklo naman ang papalayo sa nasabing lugar.

Dagdag ni Hernandez, base sa pahayag ng ilang residente ang biktima umano ay nagkakabit din ng iligal na kuryente, at kaya ito naroon sa lugar ay upang maningil.

Ang nasabing isyu ang iniimbestigahan ngayon ni Hernandez na may kinalaman sa nasabing krimen.

vuukle comment

AYON

BRGY

CABRIEGA

DAGDAG

HERNANDEZ

HOLY SPIRIT

JOGENE HER

JULIE CABRIEGA

MARLON BUNDAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with