^

Metro

18-anyos nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 18-anyos na lalaki ang nagpakamatay sa pamama­gitan ng pagbigti sa sarili dahil umano sa takot na mapagalitan ng kanyang tiyuhin sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ni PO2 Alvin Quisumbing, may-hawak ng  kaso ang nasawi na si Franklin Nuesca, ng Lupang Pangako, Payatas sa lungsod.

Ayon kay Quisumbing, ang biktima ay natagpuan na lamang­ nakabigti ng kanyang kaanak na si Rogelio Bu­mangil Jr., sa kanilang bahay, ganap na alas-12 ng tanghali na nakabitin sa kisame.

Papasok sana si Bumangil sa kanilang bahay mula sa paaralan, nang pagsilip niya sa bintana ay nakita ang biktima na nakabigti sa kisame gamit ang kawad ng kuryente na ipinalupot sa kanyang leeg. Agad na humingi ng tulong sa kanilang kapitbahay si Bumangil at kinalas ang biktima sa pagkakabitin saka isinugod sa Fairview General Hospital, pero idineklara rin itong dead-on-arrival.

Sinasabing bago ang insidente ay sinabihan umano ang biktima ng kanyang tiyuhin na papagalitan dahil sa pagiging pasaway nito, kapag nakauwi na ito mula sa trabaho, pero hindi pa man ay nangyari na ang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

ALVIN QUISUMBING

AYON

BUMANGIL

FAIRVIEW GENERAL HOSPITAL

FRANKLIN NUESCA

ISANG

KINILALA

LUPANG PANGAKO

ROGELIO BU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with