^

Metro

5-anyos lasog sa gasoline tanker

Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 5-anyos na batang babae ang nasawi habang dalawang iba pa ang na­sugatan matapos silang  ma­atrasan ng isang gasoline tanker malapit sa isang gasolinahan kamakalawa sa Pasig City.

Idineklarang dead-on-arrival sa Rizal Medical Center ang biktimang si  Jovielyn Virana, ng Dr. Sixto Antonio Ave., Brgy. Caniogan sanhi ng tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.

Sugatan naman ang mga kapitbahay nitong sina Danilo Romagat, 41, at Nerissa Monteporo, 66.

Sumuko sa pulisya ang driver ng gasoline tanker na si  Junval Orialla, 35.

Sa imbestigasyon ni PO3 Gil Pedera, alas-7:30 ng gabi, inilalagay ni Orialla ang kargang gasolina sa isang gasoline station na mata­tagpuan sa Dr. Sixto Antonio Avenue at nang matapos ay inalis nito ang ikinalsong bato dahilan sa mabilis na pag-atras ng tanker.

Nabatid na kalaro ni Virana­ ang kapwa niya bata sa tapat ng kanilang bahay­ habang ang dalawang kapit­bahay ay nag-uusap sa bangketa nang mahagip sila  ng umatras na tanker.

vuukle comment

DANILO ROMAGAT

DR. SIXTO ANTONIO AVE

DR. SIXTO ANTONIO AVENUE

GIL PEDERA

JOVIELYN VIRANA

JUNVAL ORIALLA

NERISSA MONTEPORO

PASIG CITY

RIZAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with