^

Metro

Tinedyer binoga ng tanod, grabe

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 16-anyos na binatilyo ang nasa kritikal na kondisyon nang barilin ng isang tanod nang pumalag habang inaaresto sa ginawang pamamaril kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi  ng tama ng bala sa tiyan ang biktimang  si Yiro Bonita, naka­tira sa  Phase 2, Barangay North Bay Boulevard South ng naturang  lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Pancho Villa, nasa hustong gulang, tanod sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat ng Navotas City Police, naganap ang insidente ala-1:00 ng madaling-araw sa Martiniko St., Brgy. NBBS ng naturang lungsod.

Nabatid na namaril ang biktima sa hindi pa naki­kilalang kaaway nito at nalaman ito ng mga tanod na agad na rumesponde kasama  si Villa.

Nadatnan ng mga tanod ang biktima, subalit nang pumalag sa tangkang pa-aresto ay pinaputukan umano ng nasabing tanod.

Matapos ang pamama­ril, mabilis na tumakas ang suspek, samantalang ang biktima ay dinala ng mga kaanak sa naturang pa­gamutan.

Base sa rekord ng pu­lisya, may standing warrant of arrest si Bonita na ipina­labas ni Judge Emmanuel Laurea ng RTC Branch 169 sa hindi bi­nanggit na kaso.

vuukle comment

BARANGAY NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

JUDGE EMMANUEL LAUREA

MARTINIKO ST.

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

PANCHO VILLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with