^

Metro

Ordinansa sa QC aprub na; Vest na may plate number, ioobliga sa tandem

Janvic Mateo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aprubado na ng Quezon City Council ang pro­posed measure na nagre-require sa lahat ng mga riding in tandem na dadaan sa lungsod sa pagsusuot ng vests o anumang sleeved clothing na doon naka-print ang plaka ng kanilang sinasakyang motorsiklo.

“May matinding pa­ngangailangan sa vi­sible display ng motorcycle’s number na agad na mabe-verify sa LTO sakaling masangkot ito sa vehicular o criminal activity”, nakasaad pa sa inaprubahang panukala.

Niliwanag naman ni 2nd district councilor Ranulfo Ludovico, principal author ng naturang measure, na tanging ang magkaangkas o may angkas ang siyang ire-require sa pagsusuot ng vests na may plaka at hindi ang nag-iisang rider.

Ito umano ang kanilang napagkasun­duan sa mga motorcycle riders­’ groups, dahil naki­kita namang ang pa­ngunahing problema ay ang riding-in-tandems at hindi sa nag-iisang rider.

Ipinaliwanag pa ni Ludovico na hindi sila magpe-prescribe ng vest specifications para hindi sabihing ang ordinansa ay ginawa para lamang kumita ng pera.
Ang mas importante umano ay ang sundin ang itinakdang sukat ng mga letra at numero na six inches ang height at one inch ang width.

Ang naturang mea­sure ay aaprubahan pa ni Mayor Herbert Bau­tista. Ginawa ang naturang ordinansa dahil na rin sa pagdami ng krimen na ang sangkot ay mga riding in tandem.

Ang pag-display umano ng plaka ng motorsiklo ay makakatulong sa mga awtoridad para agad na makilala ang driver at ang angkas nito.

Sakaling tuluyang ipatupad, ang mga mahuhuling lalabag dito ay may kaukulang kaparusahan kabilang ang P1,000 multa o limang oras na community ser­vice sa unang offense; P2,000 sa  multa o 8 oras na community service sa ikalawang pagkahuli at sa ikatlo naman ay P5,000 multa at/ o isang taong pagkakulong.

vuukle comment

APRUBADO

GINAWA

IPINALIWANAG

LUDOVICO

MAYOR HERBERT BAU

QUEZON CITY COUNCIL

RANULFO LUDOVICO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with