^

Metro

54-anyos patay sa mag-lover

Reinir Padua - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 54-anyos na make-up artist makaraang pagtulungang saksakin at bugbugin ng anak ng kanyang kinakasama at lover nito, kamakalawa ng gabi sa lungsod Quezon.

Nakilala ang biktima na si Alden Resoco, 54, na hindi na umabot pang buhay makaraang isugod sa pagamutan.

Mabilis namang tumakas ang mga suspect na sina Daryl­ Diamante at ang umano’y lover nitong kinilala lamang­ na isang Mark Joseph matapos ang isinagawang krimen sa Brgy. Old Balara sa lungsod.

Ayon kay Chief Inspector Rodel Marcelo, hepe ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit na ang insidente ay naganap dakong alas-8 ng gabi sa labas ng bahay ng biktima.

Ayon sa pulisya si Resoco at Diamante ay kapwa  make-up artist nang magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Sinasabing kinompronta ni Resoco si Diamante na anak ng kinakasama ng una tungkol sa umano’y pakikipagrelasyon nito sa suspect na si Mark Joseph.

Dito na umano pinagsasaksak ni Diamante ang ‘ama-amain’ ng basag na bote kung saan tumulong pa ang sinasabing lover na si Mark Joseph.

 

vuukle comment

ALDEN RESOCO

AYON

BRGY

CHIEF INSPECTOR RODEL MARCELO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DARYL

MARK JOSEPH

OLD BALARA

RESOCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with