^

Metro

Umawat sa away: Driver tinarakan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang  driver makaraang  umawat sa  away ng kanyang  kasama at ng tauhan ng  isang towing service  sa Road 10, Vitas,  Tondo,  Maynila.

Ginagamot ngayon sa Tondo Medical Center (TMC), ang biktimang si  Dennis Flor, 37, ng Panganiban St. Sta.Mesa, Manila, matapos magtamo ng saksak sa kanang bahagi ng katawan.

Samantala, mabilis namang tumakas ang mga suspek na ang isa’y nakasuot ng kulay asul na t-shirt at may tatak na  RWM Towing Services  at bitbit ang patalim na ginamit.

Bago ang insidente, nabatid na nai-tow ang minama­nehong truck ng biktima na may plakang UQB-941 na pag-aari ng SNH Logistic  dakong ala-1:00  ng hapon  habang nakaparada sa Capulong St., Tondo, Manila.

Pinuntahan umano ng biktima  ang truck sa im­pounding area at habang hinihintay na maibalik ang kanyang minamanehong truck ay nakita nito na  nagtatalo ang isang driver ng GFI Trucking at suspek dahilan para awatin nito ang dalawa.

Gayunman, ang biktima ang pinagbalingan ng suspek at sinaksak ng  kutsilyo habang ang isa pang suspek na kasama nito ay niyakap pa ang biktima.

vuukle comment

CAPULONG ST.

DENNIS FLOR

GAYUNMAN

GINAGAMOT

MAYNILA

PANGANIBAN ST. STA

TONDO MEDICAL CENTER

TOWING SERVICES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with