^

Metro

Sangay ng Andok’s, hinoldap ng tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maging ang maliit na negosyo ay hindi na pinapa­tawad ngayon ng mga holdaper na riding-in-tandem, tulad ng isang sangay ng Andok’s Litson sa Quezon City na ka­nilang biniktima at tinangay ang karampot na kita nito, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 7, ang hinoldap na litsunan ng manok ay matatagpuan sa kahabaan ng  P. Tuazon Blvd., corner 2nd Ave­nue, Brgy. San Roque.

Tanging P1,000 lamang na benta sa magdamag ng nasabing litsunan ang nakuha ng mga suspek na pawang nakasuot ng helmet at armado ng kalibre .45 baril dahil nai-remit na ng mga kawani ang buong kita nito, ayon kay Chief Insp. Maricar Taqueban, hepe ng Public information office ng QCPD.

Nangyari ang insidente ganap na alas-2:35 ng madaling-araw.

Ayon kay Raniel Luang, service crew, nagbabantay siya sa tindahan nang duma­ting ang isang kulay itim na Enduro type na motorsiklo sakay ang dalawang lalaki at nagpanggap na kostumer.

Paglapit sa kanya, bigla na lamang umanong nag­labas ng baril ang mga ito, saka nagdeklara ng holdap at kinuha ang nasabing benta.Nang makuha ang pakay saka muling sumakay sa kanilang get-away na motorsiklo at tumakas.

vuukle comment

ANDOK

AYON

CHIEF INSP

MARICAR TAQUEBAN

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

RANIEL LUANG

SAN ROQUE

TUAZON BLVD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with