^

Metro

Ex-con balik kalaboso

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Balik kalaboso ang isang ex-convict nang madakip dahil sa pagtutulak ng droga kasama ang anak nitong babae, kamakalawa sa Taguig City.

Nakilala ang naarestong suspect na si Zoilo Manosca Jr., 54, at anak nitong si Diana, ng Brgy. Ibayo Tipas ng naturang lungsod.

Base sa report na natanggap ni  Chief Inspector Jerry Amindalan, hepe ng Station Anti-Illegal Drug Special Operations Task Group, nakatanggap sila ng text message mula sa ilang impormante hinggil sa pagtutulak ng droga ng suspek na si
Zoilo.

Kung kaya’t alas-3:30 ng hapon ay nagsagawa ng isang buy-bust operation ang mga pulis laban sa suspek sa
naturang lugar.

Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer ay positibong nakabili ito ng shabu mula  sa suspek. Dito na naghudyat ang
mga operatiba upang dakpin si Zoilo na nakuhanan ng ilang plastic sachet ng shabu at nadamay na inaresto ang kanyang anak na si Diana dahil nakipagsabwatan
ito sa illegal na gawain.

Sa rekord ng pulisya, si Zoilo ay sampung taon at pitong buwang  nakulong sa New Bilibid Prison (NBP) dahil sa
droga at kalalaya lamang nito ng naturang bilangguan.

 

vuukle comment

BALIK

BRGY

CHIEF INSPECTOR JERRY AMINDALAN

DITO

DRUG SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

IBAYO TIPAS

NEW BILIBID PRISON

TAGUIG CITY

ZOILO

ZOILO MANOSCA JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with