^

Metro

Negosyanteng Tsinoy, dinukot

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang isang Filipino-Chinese trader sa tapat mismo ng pag-aari nitong gusali  sa Fortuna St., malapit sa Ramon Magsaysay Boulevard  sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Alberto Chung, 40, may-ari ng Chunis Bldg. May-ari rin umano ng iba pang negosyo sa nasabing lugar ang  biktima.

Sa inisyal na ulat, apat hanggang anim na armadong suspek  na sakay ng isang Adventure na kulay itim  at may plakang TVG-869  ang tuma­ngay sa biktima bago  mag-ala 1:00 ng hapon kahapon.

Sanay umanong maglakad ang biktima mula sa bahay nito patungo sa opisina sa pag-aaring gusali. Kahapon ay nakita na lamang ng isang security guard at ilan pang saksi na may nakahintong Adventure at may sakay na kalalakihan, ilan ang bumaba at sapilitang isinakay at dinala ang biktima.

Ilan din umano sa mga kumakain sa karinderyang nasa tapat ng pinangyarihan ang tinutukan pa ng baril.

Patuloy pa sa isinagawang follow-up operation.

vuukle comment

ALBERTO CHUNG

CHUNIS BLDG

DINUKOT

FILIPINO-CHINESE

FORTUNA ST.

ILAN

KAHAPON

RAMON MAGSAYSAY BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with