^

Metro

2 bus nagsalpukan: 22 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot sa 22 katao ang sugatan makaraang magsal­pukan ang dalawang pampasaherong bus sa tinaguriang “killer highway”, ang Commonwealth Avenue sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon kay  SPO4 Henry Se, imbestigador ng QCPD-Traffic Sector 5, ang mga biktima ay agad namang nilapatan ng lunas sa ospital, matapos na magtamo ng mga sugat, pasa at galos sa kanilang mga katawan.

Ang sangkot na bus ay ang Nova Auto Transport bus (TWM-412) na minamaneho ni Ronald Burdice, 34; at Fermina Express bus (TYX-330) na minamaneho ni Jonie Sequero, 44.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Se, nangyari ang aksidente sa may bahagi ng Commonwealth Avenue, partikular sa harap ng Fairview General Hospital, Camaro St., Brgy. Commonwealth, ganap na alas-5 ng umaga.

Binabagtas ng Fermina bus ang kahabaan ng naturang kalsada galing ng SM Fairview, patungong Tandang Sora nang biglang tumbukin ang hulihang bahagi nito ng Fermina bus na galing din sa naturang lugar. Sa lakas ng pagkakabangga, nawasak ang winshield ng Nova bus habang nagkasira-sira naman ang likod at makina ng Fermina Express bus.

Ang resulta, nagkauntog-untog ang mga pasahero ng dalawang bus sanhi para sila masugatan at gamutin sa East Avenue Medical Center. Agad din silang pinalabas matapos malapatan ng lunas, ayon kay Jerry Fortuna, traffic aide ng TS-5.  Katwiran ng driver ng Nova bus, madulas umano ang kalsada dahil umulan, kung kaya nagdire-diretso ang kanilang bus at hindi na niya ito nai-preno.

Makailang ulit nang nasasangkot ang Nova bus sa aksidente kung saan paulit-ulit na ring napapatawan ito ng suspension bunga ng mabilis na pagpapatakbo sa kalsada. Kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries and damage to properties ang kinakaharap ngayon ni Burdice habang nasa pangangalaga ng nasabing himpilan.

vuukle comment

BUS

CAMARO ST.

COMMONWEALTH AVENUE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

FAIRVIEW GENERAL HOSPITAL

FERMINA

FERMINA EXPRESS

HENRY SE

JERRY FORTUNA

JONIE SEQUERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with