^

Metro

Mister sinaksak ng maniningil, misis sinapak

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tila hindi na nakapagpigil ang isang lalaki nang  saksakin nito ang  mister na may utang sa kanya at sinapak naman ang misis nito kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Kapwa ginagamot sa Philippine General Hospital (PGH)  sanhi ng saksak sa leeg at  katawan ang biktimang si Joey Alvarez, 36, habang nagtamo naman ng sugat at pasa  sa mukha ang  misis nitong  si Mary Grace, 34,  kapwa residente  Gov. Pascual Ave., Brgy. Catmon ng naturang lungsod. Nakakulong naman sa Malabon City Police detention cell ang suspek na si  Marvin Dela Cruz, 25,  ng Sanciangco St., Catmon ng nabanggit na barangay.

Batay sa ulat ng Malabon City Police, naganap ang in­sidente alas-7:00 ng gabi, habang nakikipag-inuman ang biktima sa ilang mga kapitbahay at dumating ang suspek at naniningil sa matagal nang utang ng kanyang misis.

Napahiya sa mga kainuman ang biktima,  na naging dahilan upang makipagtalo sa suspek hanggang sa mauwi sa suntukan. Nakabunot ng patalim ang suspek at sinaksak  ang biktima at nang umawat ang misis ng huli ay sinapak  naman ito ng  suspek na naging dahilan upang mawalan ng malay at  isinugod ang mga ito sa nabanggit na ospital.

Nadakip naman ng mga rumespondeng mga tanod ang suspek bago dinala sa presinto.

vuukle comment

CATMON

JOEY ALVAREZ

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MARVIN DELA CRUZ

MARY GRACE

PASCUAL AVE

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

SANCIANGCO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with