^

Metro

2 ex-lider ng ABB tumba sa tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa dalawang da­ting lider ng Revolu­tionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen noong Martes ng gabi sa Muntinlupa City.

Kinilala ang mga na­patay na sina George “Ka George” Acero, 54, ng West Service Road, Brgy. Cupang, Muntinlupa City at Romeo “Ka Joey” Dac­les ng Brgy. Alabang sa nasabing lungsod.

Sa ulat na naka­rating kay P/Senior Supt. Allan­ Nobleza, hepe ng Muntinlupa City PNP, na­ganap ang krimen bandang alas-6:30 ng gabi sa bisinidad ng pampublikong pamilihan sa Montillano St., Brgy. Alabang sa na­sabing lungsod.

Nabatid na magka­samang nakatayo ang mga biktima nang lapitan at ratratin ng tandem.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, ang dalawa ay matagal nang tumiwalag sa nasabing samahan at nagbagong-buhay kasama ang ka­nilang pamilya.

Sinisilip naman ng pulisya ang anggulong may kinalaman ang na­sabing samahan sa pagpatay sa mga biktima na sinasabing tumiwalag sa grupo ng mga rebelde.

vuukle comment

ALABANG

BRGY

KA GEORGE

KA JOEY

MONTILLANO ST.

MUNTINLUPA CITY

PROLETARIAN ARMY-ALEX BONCAYAO BRIGADE

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with