^

Metro

Senglot na driver, itinumba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang 31-anyos na tricycle driver na sinasabing lango sa alak na nagmaneho habang kritikal naman ang kasamahan nito makaraang pagtulungang bugbugin at saksakin ng mga tambay kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Naisugod pa sa Caloocan Medical Center subalit namatay din ang biktimang si Marlon Lorella ng Phase 3 F1 Dagat-Dagatan. Habang malubha naman sa saksak ang kasamahan nito na si Rodel Subron, 32.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang pangunahing suspek na si Jessie Manuel ng Barangay 14 sa nasabing lungsod.

Lumilitaw na muntik nang masagi ng traysikel ni Lorella kasama si Subron ang suspek pagsapit sa panulukan ng Langaray Street at Dagat-Dagatan Avenue bandang ala-1:30 ng madaling-araw.

Gayon pa man, nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa maglapitan ang tropa ni Manuel bago pinagtulungan bugbugin ang dalawang senglot at pagsasaksakin.  Agad na tumakas si Manuel at mga kasama matapos ang pananaksak.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN MEDICAL CENTER

DAGAT-DAGATAN

DAGAT-DAGATAN AVENUE

GAYON

JESSIE MANUEL

LANGARAY STREET

MANUEL

MARLON LORELLA

RODEL SUBRON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with