^

Metro

Ginang kalaboso sa shabu

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang kinasadlakan ng isang ginang matapos makuhanan ng dalawang sachet ng shabu nang  salakayin ang bahay nito ng mga pulis sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Nakakulong ngayon sa Malabon City Police ang suspek na si Rosalinda Martin “alyas Tale”, 43 ng Rimas St., Barangay Potrero ng naturang lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nagtutulak ng shabu ang suspek sa kanilang lugar na naging dahilan upang kumuha ng search warrant kay Judge Edmund Batara ng Malabon  City Regional Trial Court,  Br. 72.

Nang makakuha ang mga pulis ng search warrant, kaagad nilang sinalakay ang bahay ng suspek alas-8:44 ng gabi kung saan nakakuha ng dalawang sachet ng shabu na naging dahilan upang isama sa presinto ang ginang.

 

vuukle comment

BARANGAY POTRERO

CITY REGIONAL TRIAL COURT

JUDGE EDMUND BATARA

MALABON

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

NABATID

NAKAKULONG

RIMAS ST.

ROSALINDA MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with