^

Metro

Doctor arestado sa sex video ng ex-gf

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng 29-anyos na doctor makaraang arestuhin ng mga operatiba ng pulisya dahil sa pag-upload sa internet ng sex video ng dating nobya kamakalawa ng hapon sa Barangay Paligsahan, Quezon City.

Pormal na kinasuhan ang suspek na si Christian Betita na inireklamo ng dating kasintahan na itinago sa pangalang Nene.

Sa pahayag ng biktima, ipinaaresto niya ang suspek dahil sa ginawa nitong pambababoy sa kanyang pagkatao, lalo na sa paglalagay ng mga hubad na larawan at video sa internet.

Nabatid na dating boyfriend ng biktima ang suspek na tumagal ng 5-buwan kung saan 17-anyos pa lamang ang babae.

Gayon pa man, nakalipas ang dalawang taon ay muling lumutang ang suspek na ibig makipagkita at muling makipag-sex subalit tumanggi ang biktima.

Tinakot naman ng suspek na ikakalat niya ang sex video sa internet kapag hindi nakipagkita ang biktima. Dito nalaman ng biktima na kumalat na ang kanilang sex video ng suspek matapos tumawag ang kanyang mga kaibigan.

Nasakote ang suspek sa convenience store sa panulukan ng Pantranco Avenue at Don A. Roces Avenue sa nabanggit na barangay.

vuukle comment

BARANGAY PALIGSAHAN

CHRISTIAN BETITA

DITO

DON A

GAYON

NABATID

PANTRANCO AVENUE

QUEZON CITY

ROCES AVENUE

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with