^

Metro

1 patay, 2 sugatan sa salpukan ng motorsiklo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa motorcycle rider habang dalawa pang iba ang sugatan makaraang mag­salpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng kalsada sa Mulawinan Street sa Valenzuela City, kama­kalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela General Hospital ang biktimang si Rodrigo Silbino, Jr., 47, ng De Galicia Street, Barangay Maysan sa naturang lungsod.

Isinugod rin sa nasabing pagamutan ang mga suga­tang sina Abner Cervantes, 50, ng Mulawinan Street, Brgy. Lawang Bato, Valenzuela City; at Joselito Orale, 21, ng San Agustin, Nova­liches, Quezon City.

Sa ulat ng Valenzuela City PNP, naganap ang aksidente dakong alas-7 ng gabi kung saan animo’y nagkakarera ang dalawang motorsiklo na minamaneho nina Silbino at Cervantes nang magkasalpukan.

Kapwa sumemplang ang dalawang motorsiklo at tu­milapon ang mga pasahero. Sinaklolohan naman ang mga biktima at isinugod sa pagamutan subalit hindi na umabot ng buhay si Silbino dahil sa tindi ng pinsalang tinamo nito.

Inaalam ngayon ng pu­lisya kung sino ang posibleng masampahan ng kaso sa naturang insidente.

 

vuukle comment

ABNER CERVANTES

BARANGAY MAYSAN

DE GALICIA STREET

JOSELITO ORALE

LAWANG BATO

MULAWINAN STREET

QUEZON CITY

RODRIGO SILBINO

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with