^

Metro

Rider salpok sa trak, utas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang rider matapos sumalpok ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang nakaparadang trailer truck kahapon ng umaga sa Pasay City.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Sammy Ma­ranoc Castillo, 31, ng Radar St., Pasay City sanhi ng tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.

Lumalabas sa report na nakarating sa tanggapan ni Police Sr. Supt. Florencio Ortilla, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insi­dente alas-5:30 ng umaga  sa ha­rapan ng Mynmar Trading Parts, Armstong St., Merville Access Road ng naturang siyudad.

Nabatid na nakaparada ang isang trailer truck  na may plakang ZMF-636 at trailer bed na may plaka namang PUJ-293 na  ang driver ay si Adrian Panopio Hernandez.

Dahil sa walang warning device ang nakaparadang trailer truck hindi ito napansin ng biktima habang minama­neho naman nito ang kanyang motorsiklo na may plakang UL-3865. Huli na bago nakontrol  ng biktima ang preno ng  kanyang motorsiklo dahil sumalpok na ito sa nakaparadang trailer truck.

Sa lakas ng impact, tumi­lapon ang biktima ng ilang metro dahilan upang magtamo ito ng matinding pinsala na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Inaalam ng pulisya kung illegal ang pagparada ng naturang trailer truck at  posibleng kasuhan ang driver nito dahil wala man lamang umano itong warning device bago ito pu­marada.

vuukle comment

ADRIAN PANOPIO HERNANDEZ

ARMSTONG ST.

FLORENCIO ORTILLA

MERVILLE ACCESS ROAD

MYNMAR TRADING PARTS

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with