^

Metro

Fashion designer ng celebrities dinukot?

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpasaklolo kahapon sa National Bureau of Investigation ang mga kaanak ng 49-anyos fashion designer ng ilang celebrity dahil sa pangambang dinukot ito kaugnay sa natatanggap na death threat mula umano nang may makabangga ito na ‘maimpluwensiyang tao’ sa Marikina City.

Batay sa reklamo ng ka­patid at ilang kaanak na ayaw nang pabanggit ng mga pa­ngalan, may sampung araw nang nawawala ang designer na si Vekart Adrao, na huli nilang­ nakita noon pang Mayo 6, 2014 nang umalis umano na may dalang pera matapos bayaran ng ma­laking halaga ng kliyente na nagpatahi ng damit.

Nang makatanggap umano ng death threat ay nagpasya na lamang si Adrao na isara ang kanyang shop.

Umaasa ang pamilya ni Adrao na makikita pa ito nang ligtas kaya dumulog sila sa NBI.

Kung sinuman umano ang nakakakilala at nakakita sa biktima ay ipagbigay-alam sa kanila sa pamamagitan ng telepono bilang 964-03-25.

Alam nila na may naka­kakilala sa biktima dahil kilala ito at marami itong kliyenteng celebrity tulad nina Snooky Serna, Sheryn Regis, Tony Gonzaga, Rachel Anne Go, Ricky Reyes, at iba pa.

vuukle comment

ADRAO

ALAM

MARIKINA CITY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

RACHEL ANNE GO

RICKY REYES

SHERYN REGIS

SNOOKY SERNA

TONY GONZAGA

VEKART ADRAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with