^

Metro

Dahil sa serye ng pamamaril: Fairview residents, nangangamba

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy na nangangamba ang mga residente ng Fairview kung saan nangyari ang pamamaril dahil ganap pa ring malaya ang isa sa natitirang salarin, partikular ang sinasa­bing triggerman.

Ayon sa mga residente, kung dati ay ginagabi silang umuwi, ngayon ay mas maaga pa dito, sa takot na rin na madamay sa pamamaril ng itinuturing na street killer.

Maging ang mga establisimentong nasa paligid ng Fairview ay maaga na ring nagsasara dulot ng takot sa nasabing insidente.

Kahapon, inilabas na ng Quezon City Police District, ang larawan ng sinasabing trigger man sa serye ng pamamaril sa Fairview kung saan kinilala ito sa alyas na Mohamad “Walab” Mautin Sandigan.

Ayon kay QCPD director Chief Supt. Richard Albano, ang nasabing suspek ay may kinasasangkutan na mga kaso tulad ng murder at frustrated murder.

Ani Albano, panguna­hing tinitingnan nila ang isyu ng pagkalulong sa iligal na droga ng nasabing suspek, dahil nagiging trigger happy anya ito kapag lulong sa ipinagbabawal na gamot.

Sa kasalukuyan, dagdag ni Albano patuloy ang manhunt operation sa mga suspek base sa binuong Task Force Fairview ng kagawaran.

Pangungunahan ng Task Force ni Senior Supt. Procopio Lipana, at iba pang puwersa ng QCPD.

Nitong Martes ng hapon, nadakip ng tropa ng QCPD-CIDU ang anim na kalalakihan sa isinagawang pagsalakay sa may Fairmont Village, Brgy. North Fairview.

Armado ng warrant of arrest na inisyu ni QC RTC branch 87 Judge Aurora Hernandez, nadakip ang mga kalalakihang sina Alsaid Min­dalano, 28, ng Brgy. Holy Spirit; Bochary Mindalano, 32; Mangoatawar Monib, 31; Ahmad Madkadato, 18; Cezar Ate, 45; at isang 16 anyos na lalaki. Pero pinakawalan na anya si Ate matapos mapag-alamang hindi anya ito kabilang sa mga suspek.

Si Mindalano ang sina­sabing may-ari at driver ng Honda XRM at puting motorsiklo na may body marking na “Malboro” na ginamit sa serye ng pamamaril.

vuukle comment

AHMAD MADKADATO

ALSAID MIN

ANI ALBANO

AYON

BOCHARY MINDALANO

BRGY

CEZAR ATE

CHIEF SUPT

FAIRVIEW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with