^

Metro

Coed binoga sa mukha

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 27-anyos na estud­yante ang malubhang nasu­gatan matapos itong barilin sa mukha ng hindi pa nakikilalang suspek habang hinihintay ng una ang kanyang boyfriend na nagwi-withdraw sa isang ATM machine sa Makati City kamakalawa.

Mula sa Saint Claire Hospital inilipat sa UERM Hospital ang biktimang si Katrina Veronica Raymundo.

Samantala, patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya at ina­alam ang pagkakakilanlan sa suspek.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Homicide Section, Station Investigation Branch (SIB) ng Makati City Police, naganap ang in­sidente alas-3:28 ng hapon sa  loob ng Toyota Fortuner na nakaparada sa panulukan ng Bautista at Emilia Sts., Brgy. Palanan ng naturang siyudad.

Nabatid na nagwi-withdraw sa isang ATM booth ang abogadong boyfriend ng biktima habang ang huli naman ay naghihintay sa loob ng naturang sasakyan.

Isang lalaki ang aali-aligid dito at walang salitang binaril ang dalaga sa mukha at pagkatapos ay mabilis itong tumakas.

Dali-daling dinala sa pa­gamutan upang lapatan ng lunas habang tikom ang bibig ng mga kaanak nito sa insidente.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo nang pamamaril.

Sa ngayon ay hawak na ng pulisya ang CCTV footage ng insidente na po­sibleng makapagbigay-linaw sa kaso.

vuukle comment

EMILIA STS

HOMICIDE SECTION

ISANG

KATRINA VERONICA RAYMUNDO

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

SAINT CLAIRE HOSPITAL

STATION INVESTIGATION BRANCH

TOYOTA FORTUNER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with