^

Metro

Lalaki itinumba ng de-kotse

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang lalaki nang pagbabarilin ito ng hindi pa kilalang mga suspek na nakasakay sa isang kotse habang ang una naman ay lulan ng  motorsiklo angkas ang kanyang pinsan, kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Jesus Patrick, 32, residente ng Capistrano St., Brgy.  Hagonoy sanhi ng tinamong  tama ng bala sa tagiliran at braso.

Nakaligtas naman ang kanyang pinsang si Doninador Samaniego matapos magawang makatakbo palayo sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Lumabas sa pagsisiyasat nina PO3 Virgilio Almazan, Jr. at PO2 Primitivo Delayun, Jr. ng Homicide Section, Taguig City Police, naganap ang insidente alas-12:30 ng madaling araw sa kahabaan ng M.L. Quezon St., ng naturang lungsod.

Sakay ang magpinsan sa isang motorsiklo at binabagtas ang naturang lugar nang gitgitin ng kotse ng mga suspect at pagsapit sa madilim na bahagi ng lansangan  sunod-sunod na pinaputukan ang mga ito. 

Dahil dito,  nawalan ng kontrol sa pagmamaneho si Samaniego kaya’t kap­wa sila bumagsak ma­tapos mahagip kaagad ng bala si Patrick. 

“Narinig ko pa ang pinsan ko na humihingi ng tulong pero wala akong magawa dahil kailangan kong iligtas ang sarili ko,” pahayag ni Samaniego sa pulisya.

Blangko pa ang pu­lisya sa motibo ng natu­rang pamamaslang habang kumakalap pa ng ilang testigo ang mga imbestigador na makaka­tulong sa pagkakakilanlan sa mga salarin.

vuukle comment

CAPISTRANO ST.

DONINADOR SAMANIEGO

HOMICIDE SECTION

JESUS PATRICK

PRIMITIVO DELAYUN

QUEZON ST.

SAMANIEGO

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with