^

Metro

38-anyos dedo sa bestfriend

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 38-anyos na mangangalakal ng basura ang pinatay sa saksak ng kaniyang kaibigan sa isang eskinita sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Christopher de Jesus, ng Mendoza St., Sta Cruz, Manila, dahil sa siyam na saksak ng ice pick sa  katawan at 5 sugat sa braso, indikasyong sinangga nito ang pana­naksak ng suspek  na si Robin Fernandez, 22, ng  Mendoza  St. Sta. Cruz, Manila, na agad namang nadakip ng pulisya.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11:00 ng gabi kamakalawa nang maganap ang krimen sa eskinita malapit sa kanilang tinitirhan.

Lumalabas sa imbestigasyon na  sa simula ay nagbibiruan pa ang magkaibigan hanggang sa pumasok umano sa isip ng suspek ang ginawang panghihipo ng biktima sa kanyang ka-live-in noong nakalipas na Marso.

Naging dahilan umano iyon upang pagselosan ng suspek ang biktima  kaya habang nagkukulitan ay nagawa pang tanungin ng suspek ang biktima kung bakla ito dahil madalas katabi sa pagtulog ang isa pa nilang kaibigang lalaki.

Hindi naman umano pinatulan ng biktima ang pang-aasar ng suspek hanggang sa sabihan pa umano ng suspek ang biktima na hihintayin niya itong makatulog at saka papatayin, na binalewala lamang ng biktima.

Habang nakahiga umano ang biktima ay nagbalik ang suspek at pinagbabato ito hanggang sa tamaan sa ulo ng bato.

Hindi pa rin umano pumalag ang biktima subalit binalikan siya ng suspek na kinuha sa kariton niya ang ice pick at pinagsasaksak ang kaibigan, na agad ding namatay.

Dinala ang bangkay sa Nathan Funeral para sa awtopsiya at safe keeping.

 

vuukle comment

BIKTIMA

CRUZ

GLENZOR VALLEJO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MENDOZA ST.

NATHAN FUNERAL

ROBIN FERNANDEZ

ST. STA

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with