^

Metro

3 arestado sa droga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang nadakip ng pulisya sa magkahiwalay na insidente sa lungsod ng Valenzuela at Navotas, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong il­legal possession of dangerous­ drugs si Ligaya Ramos, 37, habang nadag­dagan ng kasong illegal possession of deadly weapon ang live-in partner nito na si Joey Reyes, 30 kapwa ng Lamesa St., Ugong, Valenzuela at si Levie Arsenio Jr., 19, ng Sitio Puting Bato, North Bay Boulevard South, Navotas.

Sa ulat ng pulisya, alas-11:30 ng gabi, nagsagawa ng operasyon ang mga pulis laban sa ilegal na droga sa nasabing lugar nang matimbog ang tatlo. Nakuha sa mag-live-in ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu at isang patalim.

Dakong alas-6:10 naman ng gabi nang madakip si Arsenio nang masakote sa ‘Oplan Sita’ ng pulisya sa may North Bay Blvd. South.  Napansin ng mga pulis na kahina-hinala ang kilos at tinangkang umiwas ni Arsenio kaya kanilang hinabol ito.

Nang makorner, nakuha sa posesyon ng suspek ang isang pakete na naglalaman ng marijuana matapos na kapkapan.

vuukle comment

ARSENIO

JOEY REYES

LAMESA ST.

LEVIE ARSENIO JR.

LIGAYA RAMOS

NAVOTAS

NORTH BAY BLVD

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

OPLAN SITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with