^

Metro

Mag-utol na pumaslang sa kainuman, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagsak sa kulungan ang magkapatid makaraang madakip sa follow-up operation nang ituro na magkatuwang na pumaslang sa lalaking kanilang nakainuman sa lungsod ng Malabon, kamakalawa.

Nahaharap ngayon sa kasong murder ang magka­patid na sina Ryan Matus, 20, at kuya nitong si Ruel, 21, ng Flovi Homes 5, Brgy. Tonsuya, ng naturang lungsod.

Ang dalawa ang itinuturong bumaril at nakapaslang sa biktimang si Larry Francisco, 50, ng Pa­ra­dise Village, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Malabon Police, dumalo sa isang birthday party ang biktima sa kanilang lugar nitong nakaraang Lunes ng gabi.  Nakarating naman sa kaalaman ni Josephine Francisco, ate ng biktima, na nakikipag-inuman ang kapatid kasama ang magkapatid na Matus.

Batid ni Josephine na matagal nang may alitan ang kanyang kapatid at mag­kapatid na Matus kaya kanyang pinuntahan ito upang pauwiin. Malapit na si Josephine sa inuman nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril.

Sinabi pa nito na nakita pa niya ang suspek na si Ryan na may sukbit na baril at sinabihan ang kapatid na si Ruel na, “Tol takbo na, todas na  yan”.  Dito tu­­­mambad ang duguang bangkay ng biktima na agad na isinugod sa pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay.

Nadakip sa mga sumunod na operasyon ang magkapatid na Matus.

vuukle comment

BAGSAK

FLOVI HOMES

JOSEPHINE FRANCISCO

LARRY FRANCISCO

MALABON POLICE

MATUS

RUEL

RYAN MATUS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with