^

Metro

QC fire: Lola patay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 67-anyos na lola ang nasawi, makaraan umanong ma-suffocate sa nangyaring sunog na lumamon sa may 30 kabahayan sa isang barangay sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Ayon kay Supt. Jesus Fernandez, fire marshal ng Quezon City Fire Station, nakilala ang nasawi na si Empe­ratres Pagunsan, residente sa Brgy. Holy Spirit sa lungsod.

Nangyari ang insidente sa may Isadora Hills Brgy. Holy Spirit, partikular sa bahay na pag-aari umano ng isang Susan Pagunsan.

Bigla  na lamang umanong sumiklab sa hindi mabatid na kadahilanan ang sunog sa naturang bahay, alas-12 ng tanghali, hanggang sa tuluyang lamunin ito.

Dahil pawang dikit-dikit ang kabahayan at gawa lamang sa light materials ay mabilis na kumalat ang apoy kung kaya nadamay ang may 30 pang kabahayan.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog, bago tuluyang itong ideklarang fire out ganap na ala-1 ng hapon.

Sa pagsisiyasat, nakita na lamang si Emperatres na walang buhay sa loob ng kanyang tinutuluyang bahay dahil sa pagkaka-suffocate sa usok. Habang isang Jayson Andrada, 19, ang iniulat na nasugatan at itinakbo sa malapit na ospital.

Inaalam pa ng awtoridad kung ano ang ugat ng sunog, habang tinatayang nasa 60 pamilya ang nawalan ng tirahan.

vuukle comment

AYON

BIGLA

BRGY

HOLY SPIRIT

ISADORA HILLS BRGY

JAYSON ANDRADA

JESUS FERNANDEZ

QUEZON CITY FIRE STATION

SUSAN PAGUNSAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with