^

Metro

Tanod nanita inutas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang barangay tanod makaraang pagbabarilin ng isang lalaki na kanilang sinita habang nakatayo sa isang liblib na lugar sa lungsod Quezon.

Kinilala ni PO2 Rhic Pittong ang biktima na si Errol Maltu, 38, may-asawa­ ng Asamba Compound. Nagawa pang ma­itakbo sa ospital pero binawian din ng buhay. 

Ayon kay Pittong, nasa kustodiya na nila ang suspek na si Jesus Rivera, 40, may-asawa, na nagawang maaresto ng mga barangay tanod ng Brgy. Baesa.

Sa ulat, nangyari ang insidente sa may compound 1 sa Sitio Pajo, Brgy. Baesa, ganap na alas-9:30 ng gabi.

Bago ito, nagpapatrulya­ umano ang biktima, kasama ang ilang tanod sa lugar nang mapuna nila ang suspek na nakatayo sa gilid ng isang kalye.

Pero, hindi pa man nakakalapit ang mga tanod ay napuna na sila ng suspek saka ito nagtatakbo dahilan para magkaroon ng habulan.

Nang makorner ng mga tanod ang suspek, sa halip na sumuko, bigla umanong nagbunot ito ng baril at pinaputukan ang grupo ng mga tanod kung saan  tinamaan si Maltu sa kaliwang dibdib at bumuwal.

Kasunod nito, nagtago ang suspek sa isang bahay hanggang sa kusa na ring sumuko makalipas ang ilang minuto.

Habang ang biktima naman ay itinakbo sa Que­zon City General Hospital subalit idineklara din itong dead on arrival.

vuukle comment

ASAMBA COMPOUND

AYON

BAESA

BRGY

CITY GENERAL HOSPITAL

ERROL MALTU

JESUS RIVERA

RHIC PITTONG

SITIO PAJO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with