^

Metro

Nanaksak utas sa resbak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magka-away  ang kapwa itinanghal na bangkay nang saksakin ang menor de edad  ng isang 25-anyos na lalaki na sinaklolohan naman ng kaanak at nagantihan siya ng saksak, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala  ang mga nasawing sina Jerome Ricalde ,16, out- of-school youth, na residente ng  #320 Tenement Building, Delpan,Tondo, Maynila at Glen Aguilar, 25, residente  ng  Slip Zero Apex Compound, Pier 2, Tondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala-1:15 ng hapon nang maganap ang insidente sa Gate 7, Area A, Parola Compound  hanggang sa Slip Zero Apex Compound Pier 2, sa Tondo.

Nabatid na nakita umanong  hinahabol ng saksak ni Aguilar­ ang binatilyo at nang makorner ay inundayan ng ilang ulit sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Nang makita ng mga kaanak ng binatilyo ang ginawa ng suspek na si Aguilar­ ay sumaklolo ang mga ito at siya naman ang pinagsasaksak.

Dead-on-arrival na sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center  (GABMMC) si Ricalde dahil sa mga saksak ng ice pick, habang si Aguilar naman ay dead on the spot.

Inilagak sa Sol Funeral si Aguilar habang sa Grace Funeral Homes naman dinala ng mga kaanak si Ricalde.

 

vuukle comment

AGUILAR

AREA A

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

GLEN AGUILAR

GRACE FUNERAL HOMES

JEROME RICALDE

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with