^

Metro

Notoryus na snatcher, mandurukot timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip ng  mga tauhan ng  Manila Police District- Plaza Miranda-PCP ang  kilabot na snatcher at mga mandurukot sa Maynila.

Kinilala ang mga suspect na sina Harold Verilan, 40; Marlyn Balat, 38, ng Del Pan Tondo, Maynila; Benny Garcia, 20; Jennilyn Sebastian, 19; at Jacklyn  Galang, 42, pawang  mga residente ng  Basan St. Quiapo, Maynila.

Sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ni Insp. Rommel Anicete, Plaza Miranda PCP commander, nadakip  ang  snatcher na si Verilan,  matapos na  ireklamo ng biktimang si  Patricia Ann Creus, 16, 1st year college sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Agad na  pinakalat ni Ani­cete ang kanyang mga tauhan na sina  PO3 Jo­nathan Salcedo, PO3 Joseph Almayda, PO2 Rogin Obina at PO1 Reynaldo Fortaliza  noong Marso 12 dakong alas-3 ng hapon sa  bisinidad ng  Quiapo kung saan agad namang hinabol ang suspect sa loob ng isang  gusali.

Subalit  minalas naman itong mahulog sa kisame  na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto. Positibo naman itong kinilala ng biktima na umagaw ng kanyang Samsung cellphone na nagka­kahalaga ng  P30,000.

Samantala, inireklamo din ng pandurukot ng negosyanteng si Mahmon Julsiri­, 60, sina Balat, Garcia, Sebastian at Galang. Aniya, binangga siya ng mga ito at kinuha ang kanyang cellphone habang naglalakad sa Carriedo St. dakong alas 3 ng hapon.

Ang mga suspect ay sasampahan ng kaukulang kaso sa piskalya kasabay ng  pagsusumite ng report kay MPD-Station 3 Commander, Supt. Adrine Gran.

vuukle comment

ADRINE GRAN

BASAN ST. QUIAPO

BENNY GARCIA

CARRIEDO ST.

DEL PAN TONDO

MAYNILA

PLAZA MIRANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with