^

Metro

Vendor utas sa taga ng karibal sa pag-ibig

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang vendor ang nasawi makaraang pagtatagain ng kanyang karibal sa pag-ibig dahil sa selos sa lungsod Quezon.

Kinilala ang biktima na si Benjie Diaz, 38,  tindero at residente sa Santan St., Brgy. Batasan Hills sa lungsod.

Ayon kay SPO2 Jaime Jimena, ang biktima ay nag­tamo ng mga taga sa katawan buhat sa suspect na si Raymond Irangan, isa ring vendor. Sabi ni Jimena, ang biktima at suspek ay magkaribal sa isang babae na tindera rin sa naturang lugar.

Nangyari ang insidente sa harap ng Saint Peter church sa kahabaan ng Commonwealth, Brgy. Capitol Hills, alas-10:45 ng gabi kamakalawa.

Bago ang insidente, nabatid na ang live-in partner ni Diaz ay kursunada rin ng suspect na si Irangan kung saan nagkaroon ang mga ito ng relasyon na tumagal lamang ng isang linggo.

Nagkahiwalay ang suspek at ang babae nang sumama ang huli sa biktima dahilan para magtanim ng galit ang una laban sa nasawi.

Kamakalawa habang naglalakad ang biktima at ang babaeng pinag-aagawan papauwi sa kanilang tinutuluyan ay  biglang sumulpot ang suspek na may bitbit ng bolo at pinagtataga ang una sa katawan at likurang bahagi ng ulo.

Patay agad ang biktima sa lugar, habang ang suspek ay mabilis namang tumakas papalayo sa nasabing lugar.

Patuloy ang pagtugis ng otoridad sa nasabing suspek.

vuukle comment

AYON

BATASAN HILLS

BENJIE DIAZ

BRGY

CAPITOL HILLS

JAIME JIMENA

RAYMOND IRANGAN

SAINT PETER

SANTAN ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with