^

Metro

Parak sugatan sa amok

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang pulis-Maynila makaraang mabaril matapos  rumesponde  sa nag-aamok na lalaki sa Perla St., Tondo, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang pulis na si PO1 Alfredo Sunga, nakata­laga sa Don Bosco Police Community Precinct (PCP) na sakop ng Manila Police District-Station 1 na nagtamo ng tama ng  bala sa dibdib at kasalukuyan pang nakaratay sa Mary Johnston Hospital.

Sa ulat, dakong alas- 9:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa Perla St., Tondo makaraang humingi ng tulong sa biktima ang mga residente sa lugar pa­tungkol sa isang la­laking nagwawala na walang habas na nagpapaputok ng baril at tinatarget ang mgs street light at nakakabit na CCTV sa lugar.

Mabilis namang rumes­ponde ang grupo ni PO1 Sunga kung saan papalapit pa lamang ang mga pulis ay sinalubong na sila ng sunud-sunod na putok ng baril ng suspect na hindi kinilala kung saan tinamaan si Sunga.

Sinasabing ang suspek ay dayuhan lang sa lugar, na ayaw naman paniwalaan ng ilan. Posibleng may opisyal umano ng barangay na nagtatakip sa pagkakakilanlan ng suspek.

vuukle comment

ALFREDO SUNGA

DON BOSCO POLICE COMMUNITY PRECINCT

KINILALA

MABILIS

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MAYNILA

PERLA ST.

SUNGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with