^

Metro

Bading natagpuang patay sa underpass

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang hindi pa kilalang umano’y  bading ang natagpuang patay sa underpass ng Padre Burgos sa Ermita, Maynila.

Nakakuha ng impormas­yon si PO2 Michael Maraggun ng Manila Police District-Ho­micide Section na ang biktima ay kilala lamang sa alyas na Darna, nasa 40-42 ang edad. may taas na 5’5’’-5’7’’, walang permanenteng address at may tattoo na “Darna” at “Buddy” sa katawan, na nakasuot ng t-shirt na kulay puti at maong na shortpants.

Nakabaluktot umano o fetal position ang nasabing biktima nang madiskubre dakong alas- 6:00 ng umaga sa kalsada ng underpass.

Hinihinalang namatay sa sakit ang biktima dahil walang nakitang sugat o indikasyong pinaslang ito, ayon kay Maraggun.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima kama­kalawa ng alas-8:00 ng gabi nang makisuyo ito sa isang Ryan Banigued na ibili siya ng tinapay.

Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Rich Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

vuukle comment

DARNA

DINALA

ERMITA

HINIHINALANG

MANILA POLICE DISTRICT-HO

MICHAEL MARAGGUN

PADRE BURGOS

RYAN BANIGUED

ST. RICH FUNERAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with