^

Metro

Trader kritikal sa tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang negosyante ang nasa kritikal na kondisyon matapos barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspect lulan ng motorsiklo, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Nilalapatan ng lunas nga­yon sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Roberto Tan, ng Brgy. Bangkal, Makati City makaraang magtamo ng tama ng bala  ng baril sa ulo at likurang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin, ng Homicide Section ng Pasay City,  naganap ang insidente ala-1:00 ng madaling-araw sa loob ng Aling Marsha Seafood Restaurant na pag-aari ng biktima sa Seaside Paluto Maca­pagal Boulevard ng naturang lungsod.

Nasa loob umano ng kanyang restaurant ang biktima nang pumasok ang dalawang armadong lalaki at isa rito ang bumaril sa biktima bago mabilis na tumakas, sakay ng isang motorsiklo patungo ng Coastal Road. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa naturang pamamaril.

vuukle comment

ALING MARSHA SEAFOOD RESTAURANT

COASTAL ROAD

CRIS GABUTIN

HOMICIDE SECTION

MAKATI CITY

PASAY CITY

ROBERTO TAN

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

SEASIDE PALUTO MACA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with