^

Metro

Graphic installer dedo sa bugbog, saksak

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang graphic installer ang patay, makaraang pagtulungang bugbugin at pagsasaksakin ng tatlong kalalakihan na nakaalitan sa “pusoy” sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Hindi na naisalba pa ng mga doctor sa  Nova­liches General Hospital si Edgar Fidel, 45, matapos na magtamo  ng  saksak at bugbog sa katawan mula sa mga suspek na nakilalang sina  Tuling Escalera, Ian Escallera at isang alyas Bayan na pawang mga residente sa Brgy. Sta Monica, Novaliches.

Ayon kay PO2 Julius Raz, imbestigador, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Kilyawan St., Brgy. Sta Monica, Novaliches, ganap na ala-1 ng madaling-araw.

Naglalaro ng pusoy ang biktima at mga suspek nang biglang magkaalitan ang mga ito. Umalis ang biktima at pagbalik ay kasama nito ang kaibigang si Eric Tejano. Subalit agad na pinagtulungan ng mga suspek ang biktima.

Isa sa mga suspek ang kumuha pa ng tubo at hinataw sa ulo ang biktima, at hind pa nakuntento ay inundayan pa nila ng mga saksak sa katawan ang huli, bago tuluyang nagsitakas.

 

vuukle comment

BRGY

EDGAR FIDEL

ERIC TEJANO

GENERAL HOSPITAL

IAN ESCALLERA

JULIUS RAZ

KILYAWAN ST.

NOVALICHES

STA MONICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with