^

Metro

Trike driver tinaga dahil sa selos

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matinding selos ang dahilan kung bakit pinagtataga ang isang tricycle driver ng isang lalaki makaraang malaman ng huli na may relasyon ang kanyang live-in partner at ang una kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.

Nasa kritikal na kondis­yon at nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Muntinlupa ang biktimang si Menardo Rolluque, 39,  Brgy. Baya­nan ng naturang siyudad sanhi ng tinamong  taga ng jungle bolo sa likod.

Pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek na alyas Joel, nasa hustong gulang, nakatira sa naturang lugar.

Ayon sa pagsisiyasat ni SPO1 Ronnie Tamondong, ng Station Investigation Branch (SIB), Muntinlupa City Police, naganap ang in­sidente ala-1:30 ng madaling-araw sa bahay ng suspek sa naturang lugar.

Nabatid na nalaman ng suspek na ang kanyang live-in partner na hindi na bi­nanggit ang pangalan at ang biktima ay may relasyon kaya sinugod nito ang biktima at pinagtataga.

Mabilis namang tumakas ang suspect matapos ang isinagawang krimen.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

MABILIS

MATINDING

MENARDO ROLLUQUE

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

RONNIE TAMONDONG

STATION INVESTIGATION BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with