^

Metro

Rider umiwas sa checkpoint, lasog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang rider ang nasawi  matapos itong  tumilapon at tumama sa gutter ang ulo nito  nang   sumemplang ang minamaneho makaraang takbuhan umano  ang mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot  ang biktimang si Rolando Nillo, 52, ng Bagong Barrio, Caloocan City.

Ayon sa report ni  Inspector Leo Glen Ca­labio, ng Valenzuela City Police,  alas-2:00 ng madaling araw habang  nagsasagawa sila ng checkpoint sa kahabaan ng Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod nang mamataan ang nasawi lulan ng motorsiklo na ‘for registration’ at  walang suot na helmet. Pinara ang biktima ng mga pulis,  subalit sa halip na huminto ay lalo pang pinaharurot nito ang minamanehong  motorsiklo  na naging dahilan upang habulin ito ng nakamotorsiklo ding mga  pulis.

Pagsapit sa palikong bahagi ng Mc Arthur Highway, Brgy. Malinta ng nasabing lungsod ay nawalan ng kontrol ang biktima at nagpagewang-gewang ang motorsiklo hanggang sa sememplang ito.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima bago tumama ang ulo nito  sa gutter na na­ging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Bukod sa walang helmet, wala din dalang mga papeles ang biktima sa minamanehong bagong motorsiklo.

vuukle comment

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

DE LEON

INSPECTOR LEO GLEN CA

MC ARTHUR HIGHWAY

ROLANDO NILLO

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with